Hindi ko na tinuloy ang blog na ito ngaunit mayroon akong bagong blog sa: http://bastibasurero.site90.net/
kung may oras kayo, bisitahin nyo naman :D
yan na yung seryosong blog ko.
Babala / Paunawa
Ang nasusulat dito ay aking mga opinion lamang at nasasakop ng kalayaan ng pamamahayag hanggat wala akong nalalabag o nasisirang batas.
Saturday, November 22, 2008
Thursday, September 11, 2008
PROJECT LAFFTRIP LAFFAPALOOZA
Sali ako sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles - ang search para sa mga makukulit na blogs ng Pinas.
Eto ang boto ko...
I. Xienahgirl
II. FerBert
III. Mr.D
IV. Mariano
V. PedrongGwapo - Wala lang, bakit ba?
Eto ang boto ko...
I. Xienahgirl
II. FerBert
III. Mr.D
IV. Mariano
V. PedrongGwapo - Wala lang, bakit ba?
Tuesday, May 27, 2008
Ika-XX Kabanata, unang tagpo, Pagpapatawad...
[unang tagpo, pagbangon sa umaga]
Kay tagal ko na palang hindi nakapaglathalata, wala na din kasi akong oras katulad dati kahit na gusto kong magsulat...
Nitong nakaraang araw... Mayroon kaming isang kaibigang sinaktan mismo ng kanyang kabiyak... Masaya ako para sa kanya na nakita nya kung ano ang dapat niyang gawin... Mahalaga ang pagpapatawad, dahil sabi nga nila, hindi nagmamahal ang taong hindi nagpapatawad. Ngunit, ano ba talaga ang ibig sabihin nito?...
Isipin mo kaibigan, kung bakit kay hirap magpatawad... Ang pinakamalaking rason dito ay pagiging makasarili... Oo, nasaktan ka nga, ngunit lagi mong maiisip na gagawin ulit sa iyo kaya't sa halip na subukang kalimutan at pagbigyan ay iisipin mo ang iyong sarili dahil ayaw mong masaktan... ayaw mong magpaisa muli... papaano na kung alam na nung tao na nagkamali siya at ngayoy tatalikuran mo na? Walang malulutas kung ganun... lalo lang masisira ang pagsasama nyo kung hindi mo susubukan dahil oo, maaring naging makasarili siya nung ginawa nya ang kasalanan sa iyo, ngunit ganun din naman ang ginagawa mo ngayon hindi ba? Napakagandang sabihin, napakahirap gawin...
Hanga ako sa mga taong marunong magpatawad, dahil dun makikita natin kung gaano kalaki ang pagmamahal sa puso nila... dahil sa pagpapatawad at katulad din ng paglalakad sa dilim ng hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa iyo... pag bitaw sa pagaalala na masaktan muli... Saludo ako sa mga ganung tao kaya pilit ko din inaaral ang maging ganun... inggitero ako eh, gusto ko ako din. Hehehe.
At siyempre, gaya ng lahat ng bagay sa mundo... may hangganan din ag pagpapatawad...
Nakakatuwa ngunit nakakatakot din... Sa panahon ngayon, kaliwa't kanan ang gaguhan... Magtiwala ka nga, kapag nasira naman ay mas masakit ng di hamak kaysa sa hindi mo pagtitiwala...
Pero gaya nga ng sabi ko, hindi ka marunong mag mahal kung hindi ka marunong magpatawad...
Tangina, tumatanda na ba ako? Nakakatawa, di ko naisip na magiging ganito din pala ako nung mas bata bata pa ako ng kaunti. Hahaha.
Magandang umaga sa inyong lahat...

Monday, May 12, 2008
Ika-XIX Kabanata, Ang mga nakaraang lasingan
Noong unang panahon, napakahilig namin sa pag inom ng alak... Halos araw araw ng ginawa ng may kapal, pag sapit ng gabi ay hawak namin ang baso at bote... Inaabot ng madaling araw sa paghahanap ng yelo at pulutan. Siyempre, ngayon, hindi na tulad ng dati, mabait na ako ngayon eh... Kaya't ating sariwain ang nakaraan...
Kapag nalalasing ang isa sa amin ay pinagkakatuwaan siya ng mga kasambahay (nakatira kaming mga magkakaibigan/dating magkabanda sa iisang bahay), nasusulatan ng kung ano-ano at nalalagyan ng basura. Heto ang aming mga litrato ng mga panahong iyon...

Si teng, naging negrong-instik na bakla...

Si jamben napagsamantalahan ni teng bago nasulatan...

Si Goring nabawian din sa wakas... Hahahaha

Ako, ang unang biktima sa tirahang ito... Nyahahaha

Friday, May 9, 2008
Ika-XVIII Kabanata, Nauto ako
[kumakanta]Kay tagal mo mang nawala... Babalik ka rin.. Babalik at babalik ka rin...
Nakakapagod ang linggong ito... Nasubukan ang tibay ng aking loob... Hahaha, masaya naman, kasi nkita ko din na tumitibay lalo ang aking paninindigan at ang aking karakter... ayun nga lang, talagang napagod ang katawan ko...
Nauto ako, isang gamit na halagang 100 milyon sa nilalaro namin ng aking kapatid ay nabenta ko lamang ng 17 milyon. Nauto ako. Inalok nya ako ng 170 milyon kapalit ng nasabing gamit, pumayag ako... Sa kapaguran ko, binilang ko pa kung ilang "0" ang mayroon ay akala ko talagang 7 ang "0" nun... anim lang pala. MArahil ang pagod at antok lang talaga ako... Ayan kasi, kagahaman...
Hahaha, may nanlalamang, may nagpapalamang. Hintay na lang na karma ang bumawi sa ating lahat.
Magandang gabi sa inyong lahat. ako'y matutulog na... :)

Friday, May 2, 2008
Ika-XVII Kabanata, Huling Tagpo: Makasarili
Bakit makasarili ang tao?
Minsan kailangan munang mawala ng mga bagay bago mo maintindihan kung gaano kahalaga ang isang bagay, hindi ba?
----------------------------------------------------------------------
Gusto kong sumigaw, gusto kong patayin ung unang unang taong makakasalubong ko... kaso tinatamad ako.

Ang haba ng oras, ang tagal maubos.

Ika-XVII Kabanata, Unang Tagpo: Tunganga nanaman...
Pagkatapos ng mahabang panahon at nadampian na muli ng aking blog ng aking ideyalismo. Ngunit datapwat subalit sa tagal ng panahong wala akong nilathala dito ay wala pa din akong masulat na matino. Hahaha. Katangahan pa ang aking naisusulat... ang tungkol sa pagtutunganga...
At eto ako (basang basa sa ulan) ang dakilang basurero, nakatunganga na naman, libangan ko na ata ang tumunganga... Siguro kung binabayaran lang ang mga tambay at tunganga, milyonaryo na ako siguro ngayon...
Sabi nila, masama daw tumunganga... nako isang malaking kahibangan, katangahan at kabobohan ang katagang iyon. Hindi nyo ba alam na madaming nadudulot ang pagututnganga? Heto ang ilan sa mga benepisyo nito...
1. Ehersisyo ito sa utak. Pampatalino. Dahil kapag nakatunganga ka, lumilipad ang isip mo at bigla bigla mong maiisip na lahat ay possible. Dagdagan mo pa ng alak, kumpleto na... Biglang dadaan si ultraman at kakalabanin si godzilla na referee si voltez v.
2. Lumilinis ang iba-ibang parte ng katawan. Siyempre, habang nakatunganga, kutkot ka ng kutkot. Nililinisan ang kuko, nangungulangot, nag tatanggal ng balakubak, nagkukutkot ng peklat, nagbubunot ng buhok sa ilong at kung ano ano pa.
3. Dahil sa pagkukutkot ay nagiging malikhain. Nakakagawa ng mdaming bola ng kulangot, lumalayo ang mga pitik, at gumagaling ang pagguhit sa dumi sa mga kuko.
4. Nababawasan ang baho ng mundo. Minsan nadadagdagan. Siyempre nakampirmi ka sa isang lugar, kung hindi sobrang init hindi ka mamamaho... Ang problema, kung ilang araw ka sa pwesto mong nakatunganga, babaho ka din talaga.
5. Ang aking pinakapaborito: maeehersisyo ang kanan/kaliwang kamay mo. Kanya kanyang trip lang yan.

Subscribe to:
Posts (Atom)